Nakaranas ng pagbaha ang ilang lugar sa Lamitan City, Basilan.
Base sa mga larawan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Lamitan sa Facebook, makikita ang pag-apaw ng tubig sa ilang bahagi sa nasabing bayan.
Wala kasing tigil ang pag-ulan dulot ng umiiral na low pressure area (LPA).
Sinabi ng CDRRMO Lamitan na unti-unti nang tumataas ang lebel ng tubig sa Gubauan River.
Dahil dito, pinayuhan ang mga residente na malapit sa ilog na lumikas.
Base sa abiso ng PAGASA bandang 2:30 ng hapon, nasa orange warning level na ang Basilan.
READ NEXT
Publiko, pinaalalahanan sa pagsunod sa health protocols kasunod ng babala sa posibleng COVID-19 surge
MOST READ
LATEST STORIES