HDO hindi na kailangan ayon sa Smartmatic

By Erwin Aguilon May 17, 2016 - 03:23 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Nirerespeto ng Smartmatic ang memorandum ng inilabas ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon upang pagbawalang makaalis ng bansa ang mga opisyal at empleyado ng kumpanya.

Sa isang ambush interview sa Philippine International Convention Center (PICC) kay Atty. Karen Jimeno, tagapagsalita ng smartmatic, sinabi nito na sa katunayan ay hindi na nga kailangan ang nasabing kautusan sapagkat wala namang balak umalis ng bansa ang mga opisyal ng Smartmatic.

Handa rin anya ang mga ito na makipagtulungan sa anumang imbestigasyon na isasagawa ng Comelec at maging ng anumang political party.

Sinabi pa ni Jimeno na bago akusahan na lumabag sa protocol ang Smartmatic dapat anyang alamin muna kung mayroon nito para sa isang minor change tulad ng pagtatama ng typographical error.

Idinagdag pa ni Jimeno na kailangan ding malaman kung ano ang protocol at kung ano ang parusa para dito.

Nanindigan din si Jimeno na mismong ang I.T officer ng Comelec ang nagtype ng password para mapalitan ng Smartmatic ang hashcode.

Hindi rin anya ang Smartmatic ang nagpapatakbo ng automated elections dahil sumusunod lamang sila sa kautusan ng Comelec.

TAGS: comelec, Guanzon, jimeno, smartmatic, comelec, Guanzon, jimeno, smartmatic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.