Dalawang pulis, tinamaan ng COVID-19; Dalawa rin ang gumaling

Nanatili sa siyam ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (March 9), dalawang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Ngunit, dalawang pulis din ang gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 48,826 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,689 naman ang total recoveries.

Samantala walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...