Monthly ayuda sa Maynila gagawin sa buong bansa

By Chona Yu March 09, 2022 - 12:51 PM

Manila PIO photo

Ipinangako ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Isko Moreno Domagoso na kapag siya ang susunod na pangulo ng bansa, ang ipinamimigay niya na buwanang ayuda sa Maynila ay gagawin niya sa buong bansa.

 

Ngayon umaabot sa 700,000 family food packs ang ipinamamahagi kada buwan sa lungsod.

 

“Kung ako ay papalaring makapaglingkod bilang pangulo, gaya ng nasabi ko na noon, ang food pack ayuda sa ilalim ng Food Security Program ng pamahalaang lungsod ay ating gagawin sa buong bansa para mapanatag ang mga tao. Hangga’t may pandemya, mamimigay tayo ng ayuda para sila ay may makain,” pahayag ni Moreno.

 

Sinabi pa ni Domagoso na ang P300 bilyong pondong pang-ayuda ng pambansang gobyerno ay gagawin niyang P600 bilyon kapag siya ang mananalo sa eleksyon sa Mayo 9.

 

“Ang mahalaga sa akin ay ang tao at ang kanilang mga bulsa at sikmura. Kaya naman itong ayuda ay gagawin ko sa buong bansa hangga’t lugmok ang ekonomiya dahil ayaw kong may magutom na mga Pilipino,” pahayag ni Moreno.

 

Hahabulin din aniya niya ang sinasabing P203 bilyong estate tax liabilities ng pamilya ni dating Sen.Bongbong Marcos Jr., para may pandagdag sa ibibigay na ayuda ng kanyang administrasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.