Film director Carlo J. Caparas, ipina-aaresto ng CTA

By Jong Manlapaz May 17, 2016 - 12:59 PM

Carlo J. CaparasIpinag-utos ng Court of Tax Appeals (CTA) ang pag-aresto kay film director Carlo J. Caparas kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kaniya.

Ang arrest warrant ay inilabas ng CTA Second Division laban kay Caparas, dahil sa kaso nitong paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC), partikualr sa section 255 o kabiguang ihain ang kaniyang annual income tax return (ITR) sa taong 2008 at 2009.

Ayon sa CTA, matapos ang isinagawang pag-aaral sa impormasyon na isinampa ng DOJ, nakitaan nila ito ng probable cause kaya ipinag-utos ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa director.

Si Caparas ay kinakailangang maglagak ng P20,000 para sa bawat isang kaso ng tax evasion o kabuuang P40,000 na piyansa.

Nilagdaan nina Associate Justices Juanito C. Castañeda Jr., Caesar A. Casanova at Amelia R. Cotangco-Manalastas ang utos.

Noong buwan ng Abril, isinampa ng DOJ ang reklamo laban kay Caparas.

Ayon sa DOJ, batay sa mga dokumento ng BIR, walang ITR na inihain si Caparas noong 2008 at 2009.

Maliban sa dalawang kaso, mayroon nang naunang kaso si Caparas sa CTA dahil naman sa hindi paghahain ng Value Added Tax (VAT) returns mula 2006 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng P101,819,722.19.

 

TAGS: CTA issues arrest warrant vs Carlo Caparas, CTA issues arrest warrant vs Carlo Caparas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.