Malakanyang dumistansiya sa ‘pagpaparusa’ sa hindi dadalo sa Comelec debates

By Chona Yu March 09, 2022 - 11:21 AM

 

Malaya ang Commission on Elections (COMELEC) na gumawa ng sariling desisyon.

 

Ito ang sinabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar sa pangangatuwiran nang hindi pagsawsaw ng Malakanyang sa gagawing parusa sa mga kandidato na hindi sisipot sa ikakasang presidential at vice presidential debates.

 

“Alam mo itong Comelec, again, they are quasi-independent judicial body and they decide for their own commission. Kung anuman ang kanilang desisyon, it is really  up to them at hindi naman para makialam ang Palasyo or any other agency or department of this government, ” pahayag ni Andanar.

 

Una rito, sinabi ni Vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya dadalo sa Comelec debate.

 

Maging si presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos JR. ay hindi pa tiyak kung makadadalo sa debate.

 

Sinabi ng Comelec na hindi nila papayagan na makalahok sa kanilang e-rally platform ang mga kandidatong hindi dadalo sa debate.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.