‘Magbantay sa hoarding, ilegal na pagtaas ng bilihin’

By Jan Escosio March 09, 2022 - 10:06 AM

Nanawagan si reelectionist Senator Sherwin Gatchalian sa mamamayan na bantayan ang posibleng ilegal na pag-iimbak at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

 

“Maging mapagmatyag tayo sa anumang pagtatangka ng ilang mapagsamantalang negosyante sa kasalukuyang sitwasyon. May ilan na nagtataas ng presyo ng mga bilihin kahit na walang sapat pang dahilan para gawin ito o kaya naman ay itinatago ang kanilang mga produkto para ibenta kapag mataas na ang presyo,” bilin ni Gatchalian.

 

Nagbilin din ito sa mga nasa sektor ng konsyumer, agrikultura, trading at manufacturing na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ukol sa ilegal na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, hoarding at cartel activities.

 

Paalala lang din ni Gatchalian ang mga probisyon sa RA 7581 o ang Price Act na nagpapataw ng mga multa at parusa sa mga magmamanipula ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

Una nang inihayag ng DTI na tatlong buwan pa maaring gumalaw ang presyo ng mga bilihin at serbisyo bunga ng serye ng oil price hike at tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.