Fuel subsidy distribution hindi dapat mahaluan ng korapsyon, bilin ni Sen. Ping Lacson

JUN CORONA / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson na dapat bantayan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga benipesaryo.

 

Ang hugot na ito, ani ni Lacson, ay mula sa mga nakaraang pamamahagi ng ayuda na nakapaloob sa Bayanihan funds na hindi umabot sa mga benepisaryo, partikular na sa public transport drivers.

“Bukod sa corruption issue, may administrative issue ng pag-distribute. Baka mamaya sabihin natin, patay na ang kabayo bago dumating ang ayuda,” sabi pa nito.

 

Dagdag pa nito, nang siyasatin ng Commission on Audit (COA) ang Bayanihan 2 fund, nadiskubre na isang porsiyento lang ng pondo ang naipamahagi kayat humanto na sa pamamalimos ng PUV drivers sa kalsada.

 

Suportado din ni Lacson ang planong doblehin ang subsidiya sa sektor ng pampublikong-transportasyon, maging ang halaga ng vouchers na ibibigay sa mga nasa sektor naman ng agrikultura.

“Due to the spiraling prices of oil in the world market, doubling the fuel subsidies and vouchers is the right thing to do as allowed under a special provision in the 2022 General Appropriations Act in order to contain inflation which is projected to hit 3.7 percent in 2022,” diin ng senador.

 

Samantala, tiniyak ni Lacson na dadalo siya sa special session ng Kongreso kung magpapatawag si Pangulong Duterte para talakayin ang posibleng pagdedeklara ng ‘state of economic emergency’ bunga nang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

 

Read more...