Walang ‘midnight appointments,’ sabi ng Malakanyang

By Chona Yu March 09, 2022 - 09:18 AM

Itinanggi ng Malakanyang na ‘midnight appointee’ nang maituturing si Secretary Karlo Nograles nang italaga ito bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).

 

Sinabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar pinapayagan ng batas ang pagtatalaga kay Nograles, na nagsilbing cabinet secretary bago itinalagang tagapagsalita ng Malakanyang.

 

“Hindi po totoo iyan. Alam ninyo po ang appointment ni CabSec Nograles or former CabSec, former Spokesperson ay nakapaloob pa rin po, nasa loob pa rin po ng oras at ng panahon na pinapayagan po ng ating batas,” depensa ni Andanar.

 

Tatagal hanggang 2029 ang termino ni Nograles sa CSC.

 

Samantala, hindi pa masabi ni Andanar kung may mga bagong itatalaga pa si Pangulong Duterte sa ibat-ibang posisyon habang papalapit na ang pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.