Planong base-militar sa Catanduanes tututulan ng mamamayan
Plano pa lamang ang pagpapatayo ng Philippine Navy na forward operating base ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) sa Panay Island sa Panganiban, Catanduanes, ngunit inanunsiyo na ng New Peoples’ Army (NPA) na lalabanan nila ito.
Sinabi ni Ka Teresa Magtanggol, tagapagsalita ng NPA – Catanduanes, titindi lamang ang pang-aabusong militar at pang-aagaw ng lupa ang naturang balakin.
Aniya ngayon pa lamang ay talamak na ang pang-aabusong militar at militarisasyon sa mga lugar na nakapaligid sa isla, kabilang na ang pagpatay sa isang sibilyan sa Barangay Hinipaan, Bagamaanoc noong nakaraang Enero 9.
Puna pa ni Magtanggol, una na rin inihayag ng NAVFORSOL na nababantayan naman nila ang bahagi ng teritoryo ng bansa sa Dagat Pasipiko, kasama na ang Benham Rise.
Maituturing din, ayon sa NPA, na insulto sa mga Catandunganon ang plano dahil marami sa kanila ang patuloy na naghihirap at ngayon ay may pondo para sa pagpapatayo ng isang base-militar.
Nabatid na ang Loran Station ay dating base ng US Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.