Bilang ng mga Filipinong nailikas mula sa Ukraine, umabot na sa 199

By Angellic Jordan March 08, 2022 - 05:19 PM

Photo credit: Usec. Sarah Lou Arriola/Twitter

Kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 4 sa Ukraine, patuloy pa rin ang pagkakasa ng repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasunod ito ng patuloy na pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, base sa datos hanggang 5:00, Martes ng hapon (March 8), nasa 63 Filipino na ang nakauwi ng Pilipinas mula sa Ukraine.

Nailikas naman ang anim na Filipino patungo sa Poland; 33 patungo sa Moldova, 73 patungo sa Romania, siyam patungo sa Austria, habang 15 naman ang nailikas patungo sa Hungary.

Dahil dito, umabot na sa 199 ang bilang ng mga Filipinong naasistihan ng kagawaran sa gitna ng Ukraine-Russia crisis.

TAGS: DFA, DFArepatriation, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriationefforts, Russia, SarahArriola, Ukraine, DFA, DFArepatriation, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriationefforts, Russia, SarahArriola, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.