25 Chinese nationals arestado ng Coast Guard at BFAR
Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 25 Chinese nationals na hinihinalang nangingisda ng illegal sa karagatang sakop ng Babuyan Island at Batanes province.
Ayon sa BFAR, ang mga dayuhan ay sakay ng dalawang fishing vessels na Shen Lian Cheng 719 at Shen Lian Chen 720 nang sila ay maaresto.
Nagsasagawa ng joint patrol ang mga tauhan ng BFAR at PCG nang maaktuhan ang dalawang fishing vessel, na mayroon pang binaligtad na Philippine flags.
Dinala na sa Basco, Batanes ang mga inarestong crew ng dalawang fishing vessel para sa imbestigasyon.
Sinabi ni BFAR Director Asis Perez, ang paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa dalawang vessels ay malinaw na layon ng mga crew nito na itago na sila ay pawang mga dayuhan upang makapangisda sa karagatan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.