18,209 babaeng pasahero, nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3

By Angellic Jordan March 08, 2022 - 02:48 PM

Umabot sa 18,209 ang bilang ng mga babaeng pasahero na nakatanggap ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Martes ng umaga (March 8).

Kasabay ito ng pagdiriwang ng National Women’s Day.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang nasabing bilang ay base pa lamang sa nakuhang datos simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga.

Nagpasalamat naman ang mga kababaihan sa handog ng pamunuan ng naturang linya ng tren.

Magpapatuloy ang libreng sakay ng MRT-3 bandang 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

DOTr MRT-3 photo

TAGS: DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, NationalWomensDay, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, NationalWomensDay, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.