Bagong Comelec chairman, commissioners itinalaga ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saidamin Pangarungan bilang ad-interim chairman ng Commission on Elections.

Ito ang kinumpirma ni acting presidential spokesman Martin Andanar.

Ayon kay Andanar, itinalaga rin ng Pangulo sina George Erwin Garcia at Aimee Neri bilang bagong commissioners ng Comelec.

Ayon kay Andanar, itinalaga ng Pangulo ang tatlong nabanggit na opisyal para masiguro na magkakaroon ng maayos, mapayapa at credible na election sa Mayo 9.

Papalitan ni Pangarungan si dating Comelec chairman Sheriff Abas na una nang nag-retiro sa puwesto.

Papalitan naman nina Garcia at Neri sina Antonio Kho at Rowena Guanzon na nagretiro na rin noong Pebrero.

 

Read more...