‘Cancel culture’ pinaiiral ni BBM para makaiwas sa mga debate at political rallies

By Chona Yu March 08, 2022 - 12:49 PM

Naniniwala ang kampo nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan na pinaiiral ng kampo ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang ‘cancel culture’ para makaiwas sa mga debate at political rallies.

Ayon kay dating Congressman Erin Tañada, senatorial campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem, ang hindi pagsipot ni Marcos sa mga debate ay patunay ng kaduwagan.

“Leadership is about showing up. It is about honoring commitments. The presidency is not a game of hide-and-seek,” pahayag ni Tañada.

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan dyan,” dagdag ni Tañada.

Ayon kay Tañada, mahalaga na maipaliwanag ang mga plataporma ng isang kandidato lalo na sa mga naghahangad sa pinakamataas na posisyon.

“He cannot just hide from his call of ‘unity. Unity in itself is not a platform, not a plan,” pahayag ni Tañada.

“Yes, we can be united, but united for what? United for whom? Marcos is not a unifier, he’s the most divisive factor in this election,” dagdag ng dating mambabatas.

Sinabi pa ni Tañada na ang ugaling pinaiiral ngayon ni Marcos na biglang kinakansela ang mga public engagement ay madadala kung mananalong pangulo ng bansa.

“Ngayon debate at rallies lang ang kanyang kina-cancel, kung bibigyan yan ng pagkakataon, ang ika-cancel nya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad,” pahayag ni Tañada.

Matatandaang makailang beses nang hindi sinipot ni Marcos ang mga interview at mga debate.

“As we’ve said, just look at their ‘low-batt’ rallies and compare them to our big and high-energy rallies, and you’ll see the big difference in the warmth of public reception,” pahayag ni Tañada.

Sinabi pa ni Tañada na ang tinatawag na “Robredo juggernaut” ay dinudumog na ng mga tao.

“For example, in the next 36 hours, we will be hitting six cities in four provinces in Caraga. These are not in big provinces, but for us to mount rallies there is a sign of our strength,” pahayag ni Tañada.

Paliwanag ni Tañada, kaya dinudumog ang mga rally ni Robredo dahil alam ng taong bayan na sisiputin sila.

“And people would come, using their own money, bringing their own food, waving their handmade posters, kasi alam nila na sisipot si VP Leni doon,” pahayag ni Tañada.

“The difference between VP Leni, who has a disciplined work ethic, and Marcos is that Leni will show up while people will be stood up by Marcos,” dagdag ni Tañada.

Inihalimbawa ni Tañada ang mga rally ni Robredo san a dinudumog ng tao gaya halimbawa ang 20,000 kata sa Naga City; 20,000 sa Quezon City; 40,000 sa Iloilo; 47,000 sa Cavite; at 45,000 sa Bulacan.

TAGS: BBM, cancel culture, dating Congressman Erin Tañada, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Senador Kiko Pangilinan, tamad, Vice President Leni Robredo, BBM, cancel culture, dating Congressman Erin Tañada, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Senador Kiko Pangilinan, tamad, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.