Sandwich na ipinangalan kay Duterte, mabibili sa isang bakery sa QC

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Ipinangalan kay presumptive President Davao City Rodrigo Duterte ang isang sandwich sa isang bakery sa Quezon City.

Ang Pan de Duterte ay mabibili na ngayon sa Kamuning Bakery Café.

Ito ay isang uri ng spicy burger pan de sal sandwich na ginamitan ng ground beef bilang patty, may gulay at pwede ring palagyan ng cheese kung gusto ng customer.

May kasama din itong side dish na pipino na may mayonnaise.

Mabibili ito sa halagang P165 kada isa.

Ang Kamuning Bakery Café ay 77 taon na sa industriya.

Read more...