Lumulobong suporta indikasyon ng panalo ni VP Leni
Hawak ng tambalang Leni Robredo – Kiko Pangilinan ang ‘momentum’ dahil sa paglobo ng nakukuhang suporta.
Ito ang ibinahaging obserbasyon ni Senate Minority Leader Frank Drilon dahil sa libo-libong tagasuprta at volunteers na dumadalo sa political rallies ng tambalan.
Sinabi pa nito ang napakaraming dumadalo sa rally ng Robredo-Pangilinan tandem ay malakas na indikasyon ng totoong iboboto ng mamamayan sa hanay ng mga kandidato.
“It’s a matter of keeping up the momentum for Robredo up to the last day of the campaign. I believe Robredo’s strong showing in the presidential debates has further generated support for her presidential run,” ayon kay Drilon.
Nabanggit nito na maging sina Robredo at Pangilinan ay nagugulat sa dami ng mga dumadalo sa kanilang campaign rallies sa mga lungsod ng Naga, Quezon, Cebu, Iloilo, at Manila, gayundin sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite.
Ito, dagdag pa ng Drilon, ay patunay na malaki ang pagkakaiba ng resulta ng surveys sa tunay na nangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.