Oil at gas exploration ng Pilipinas at China sa Recto Bank, dapat panindigan
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na panindigan ng Pilipinas ang pangakong joint development sa Recto Bank kasama ang China.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kapag tinalikuran ng Pilipinas ang kasunduan, tiyak na mapapaaway ang bansa.
“So many flashpoints, maraming lugar na may putok. We do not need it. Hindi natin kailangan makipag-away diyan. Sundin lang nila — sundin lang ninyo kung ano ‘yung pinag-usapan noon. Sabi ko honor ‘yan eh, it’s a matter of honor. We gave our — nag-ano consensual talks tapos may written agreement. ‘Pag iba — iniba ‘yan, delikado. So hindi na mangyari sa akin ‘yan kasi ayaw ko. Ayaw kong ibahin kasi ‘yun ang pinag-usapan namin sa panahon ko,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, may isang contractor ang nagbabalak na i-take over ang exploration project sa Recto Bank na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo ang contractor.
“Ano alam mo, pinaalaala sa akin — hindi ko na sabihin kung sino — from China, sabi niya, “‘Di ba may usapan tayo na joint development ‘yang sa Recto Reed — sa Recto Bank? Eh may bagong mga istorya na may papalit na, ganoon.” Alam mo I can only talk for this time that we are here, administrasyon ko. Binulungan ako ng ano na, “Huwag ganoon, ‘yung original contracts natin sundin natin.” Ngayon ang sabi magpadala ng sundalo. Eh sabi ng — wala — sabi ko, “Wala man kaming sinabing magpadala sundalo.” Sabi niya, “Just in case magpadala kayo ng sundalo, magpadala rin kami ng sundalo.” pahayag ng Pangulo.
Nobyembre 2018 nang lagdaan ng Pilipinas at China ang isang memorandum of understanding para sa oil at gas development sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.