(Divina Suson, Inquirer Mindanao)
Aabot sa mahigit 1,000 residente ang inilikas sa Iligan City.
Ito ay dahil sa umapaw na ang ilog bunsod ng dalawang araw na pag-ulan na dala ng low pressure area.
Ayon sa ulat ng Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa mga evacuation center na ang mga inilikas na residente na mula sa walong barangay.
Sinuspendi na rin ni Iligan City Mayor Celso Regencia ang klase sa lahat ng antas maging ang trabaho sa private at public offices maliban na lamang ang nasa public safety services, emergency response, medical services at safety services at disaster response.
Hindi na rin madaanan ng mga sasakyan ang ilang tulay at lansangan sa Iligan dahil sa landslide at baha.
Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways, may landslide sa national highway sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.