Pag-utang sa Land Bank ng P1.2-B ng Muntinlupa LGU pinabulaanan
Bahagi ng paninira ang pagkalat ng text messages na nagsasabing nagamit na ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa City ang P1.2 bilyong inutang sa Land Bank of the Philippines.
Ipinagdiinan ni Mayor Jaime Fresnedi na hindi pa umuutang sa Land Bank.
Magugunita na Marso ng nakaraang taon, nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panglungsod na nagbibigay awtorisasyon kay Fresnedi na pumasok sa P1.2 billion loan agreement sa Land Bank.
Ang pera ay para mapondohan ang ilang proyekto sa lungsod.
“The Muntinlupa City government gave us the authorization to get a loan from Landbank. As of Dec. 31, our ending balance [at Landbank] is more than P2 billion. The [Landbank] manager said we have not availed of our standby loan. This means we have not taken any [amount from the standby loan,” sabi ni Fresnedi.
Una na rin nagpalabas ang Land Bank ng sertipikasyon na walang inutang na P1.2 bilyon ang pamahalaang-lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.