20 government-issued firearms nabawi sa mga dating pulis

Nagawa pang mabawi ng Manila Police District (MPD) ang 20 baril mula sa mga pulis na wala sa aktibong serbisyo.

Sinabi ni Police Maj. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD,  ang operasyon ay bahagi ng pagkasa ng Oplan Bawi sa lungsod ng Maynila noong Marso 4 hanggang 6.

Dagdag pa ni Ines ang mga baril ay binawi mula sa mga pulis na AWOL (absent without official leave), wala na sa serbisyo, maysakit, at retirado.

Paliwanag pa nito, binawi nila ang mga baril upang maiwasan na magamit pa ito sa krimen o mga ilegal na aktibidad.

Kasama din ito sa mga hakbang ng MPD sa pagtitiyak na magiging maayos at payapa ang gaganaping eleksyon sa Mayo 9.

 

Read more...