Isang abogado, iginiit na walang ilegal sa pagkakakulong ng konsehal sa Quezon
Iginiit ng isang criminal lawyer na walang ilegal sa pagkakakulong ng isang konsehal ng Lopez, Quezon.
Ayon kay Atty. Merito Lovensky Fernandez, legal ang pagkakakulong kay Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan.
Paliwanag nito, kung may asunto sa korte, ibig-sabihin ay nakapaglabas ng arrest warrant laban sa kaniya.
Wala aniyang pananagutan ang korte na naglabas ng arrest warrant at mga pulis na humili kay Yulde sa bisa nito.
Giit pa ng abogado, hindi uubra ang isasampang kaso ng serious illegal detention anuman ang kinalabasan ng kaso.
Inihalimbawa pa ni Fernandez ang kaso ni Hubert Webb na nakulong ng matagal na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.