Sa katuwiran na minsan lamang sa buhay ang pag-graduate, sinabi ni reelectionist Senator Sherwin Gatchalian na dapat ay payagan na ang in-person graduation ceremonies sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Level 1.
Dagdag katuwiran pa ni Gatchalian sa kanyang hirit, pinapayagan naman na ang political rallies
“Parents and students should be able to fully relish their moments of pride. However, public health protocols should still be observed to avoid turning these ceremonies into superspreader events,” paalala lang nito.
“Kung nakakapagsagawa na tayo ng mga aktibidad na dinudumog ng maraming tao tulad ng election campaigns, dapat bigyan din natin ng pagkakataon ang mga magulang at mga mag-aaral na magkaroon na ng face-to-face graduation,” aniya.
Dalawang taon ng walang in-person graduation at moving-up ceremonies dahil sa pagsalang-alang sa kalusugan ng mga estudyante, magulang at mga kawani ng eskuwelahan.