Paninira sa isang negosyanteng babae nagbunga pa ng maganda
Itinuturing ng isang babaeng negosyante na magandang aral pa ang pagkakasangkot niya sa kontrobersiya.
Sinabi ni April Grace Calleja Castro na nagpapasalamat siya sa Panginoon na dahil sa nagdaang mga pagsubok ay nakilala niya ang mga tunay na kaibigan, gayundin ang mga tao na sumisira ng kanyang reputasyon maging ng kanyang kompaniya.
Sa kabila din aniya ng mga kontrobersiya, hindi siya tinalikuran ng kanyang mga kasosyo sa negosyo at buo pa ang pagtitiwala ng mga ito sa kanya.
Ayon pa din kay Castro pinatawad na rin niya ang mga nanira sa kanya bagamat aniya bahala na ang batas sa mga ito matapos na rin niyang magsampa ng mga kaso.
Dagdag pa ng nagmamay-ari ng isang construction at trading company at online store, ngayon ay pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang kanyang mga negosyo para patuloy na matulungan ang mga umaasa sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.