Apat na lugar sa Luzon, bumaba na sa ‘very low risk’ sa COVID-19 – OCTA
Bumaba na sa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang apat na lugar sa Luzon, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang March 6, nasa ‘very low risk’ na ang Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo.
Nasa ‘low risk’ category naman ang National Capital Region (NCR), Baguio City, Naga City, at Santiago.
Mananatili naman sa ‘moderate risk’ ang Puerto Princesa.
Lumabas din sa datos na nakapagtala ang NCR ng -24 percent na one-week growth rate sa mga kaso, -57 percent sa Angeles, -50 percent sa Baguio at Dagupan, -30 percent sa Lucena, -44 percent sa Naga, -62 percent sa Olongapo, -48 percent sa Puerto Princesa, at -27 percent sa Zambales.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang March 6, nasa 48,793 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.