Panukalang “Better Normal Act” hiniling na maipasa na

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Kasabay ng muling pagbubukas ng turismo at ekonomiya sa bansa dahil sa pagbaba sa Alert Level 1, hiniling ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa Kamara na ipasa na ang panukalang “Better Normal Act”.

Mahalaga aniyang maipasa ang panukalang batas para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya at maigting ang pagtugon sa mga problema bunsod ng COVID-19 pandemic.

Malaki aniya ang magiging epekto nito para sa economic recovery, lalo na para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) o maliliit na mga negosyo.

Ayon sa three-term senator, epektibong hakbang sa muling pagbangon ng iba’t ibang sektor ang pagpapalakas ng maliliit na negosyo.

Makatutulong din aniya ang pagbaba sa Alert Level 1 upang makabawi ang mga naluging negosyo.

Sinabi ng mambabatas na ang MSME law at ang iba pang mga programa ng gobyerno, gaya ng DOLE-TUPAD, ay instrumento rin sa paglikha ng trabaho at kabuhayan ng mga Filipino.

Matatandaang di Legarda ang nagsulat at sponsor ng mga batas na nais mabigyan ng kabuhayan at trabaho ang mahihirap na Filipino, kabilang ang Barangay Livelihood and Skills Training Act, Public Employment Service Office (PESO) Act at Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Read more...