DepEd, umaasang makakapagsagawa ng limited physical end-of-school-year rites

By Angellic Jordan March 07, 2022 - 02:14 PM

DepEd photo

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na makapagsasagawa ang mga paaralan ng limited physical End-of-School-Year (EOSY) para sa taong panuruan 2021-2022.

Sa nagdaang EduAksyon Virtual Regional press conference na pinangunahan ng DepEd Region IX, sinabi ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na depende sa risk assessment ng mga rehiyon kung kakayaning makapagdaos ng graduation rites ang mga paaralan.

“Yung risk assessment natin sa mga different regions, sa mga different schools ay nag-improve. Pag nagtuloy-tuloy ito, the chances of being allowed to conduct face-to-face graduation also increases. Sunod-sunod yan pag nag-opening ka ng classes, nag face-to-face (classes) ka, physical graduation rites are also possible,” paliwanag nito.

Dagdag nito, “Ang hope lang natin, hindi maabutan ang graduation season natin ng hindi magandang balita (increase in COVID cases/alert level) kung may biglang pagbabago.”

Kasunod ng inaasahang physical graduation rites, sinimulan na ang pagpaplano at pagbuo ng mga patnubay para sa Curriculum and Instruction (OUCI) kung paano isasagawa ang aktibidad.

“Kami sa Curriculum and Instruction Strand ay nag-uusap na ng magiging guidelines. Yung tanong na kung possible ang face-to-face graduation? Siyempre po kasi nga pinayagan na ang limited face-to-face, so ang ibig sabihin posible na rin yung limited face-to-face graduation ceremonies,” ani Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio.

Hindi na aniya magiging katulad ng dati ang pagsasagawa ng pagtatapos.

Titiyakin aniya na pananatilihin ang angkop na panuntunang pangkalusugan at mga protocol sa kaligtasan sa pagsasagawa sa buong seremonya.

“Huwag tayong umasa na katulad ng dati na napakaraming tao, ire-regulate po natin, susundin natin yung mga social distancing requirements,” saad nito.

Dagdag ni San Antonio, “May posibilidad na hindi lang isahan, baka may unang oras, isang grupo kung maliit yung lugar na pagdarausan ng face-to-face graduation. Mga ganon na modelo ay pinag-aaralan pa namin at pinag-uusapan, pero sisiguruhin natin na kung tayo ay magre-recommend nito ito ay sasang-ayon sa mga pinapatupad na requirements ng IATF at ng DOH.”

TAGS: deped, End-of-School-Year, GraduationRites, InquirerNews, RadyoInquirerNews, deped, End-of-School-Year, GraduationRites, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.