Bigtime oil price hike, ipatutupad sa March 8

By Angellic Jordan March 07, 2022 - 11:51 AM

Radyo Inquirer On-Line photo

(UPDATED) Abiso sa mga motorista.

Sa ika-10 sunod na linggo, magpapatupad muli ng bigtime oil price increase sa mga produktong petrolyo.

Bunsod pa rin ito ng pagsipa ng presyo sa international market dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Ukraine at Russia.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Shell, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, at Seaoil, may dagdag na P5.85 sa kada litro ng diesel habang P3.60 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P4.10 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Shell, Petron, at Seaoil.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (March 8).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Shell, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Ito na ang pinakamalaking taas-presyo na ipatutupad sa bansa sa taong 2022.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.