Sa serye ng mga operasyon sa loob ng 10 araw, higit P500 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Benguet at Kalinga sa Cordillera Region.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Dionardo Carlos na ang serye ng mga operasyon ay bahagi ng Herodotus 2, isang special operation ng PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang sa mga ikinasang operasyon ang pagsalakay sa 70 marijuana plantations, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong katao.
May apat naman na naaresto sa checkpoints sa Lubuagan, Kalinga at Tabuk City.
MOST READ
LATEST STORIES