Libreng sakay sa MRT-3, handog para sa mga kababaihan

By Angellic Jordan March 07, 2022 - 10:09 AM

May handog na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihang pasahero sa araw ng Martes, March 8.

Bahagi ito ng pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Day.

Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard D. Eje, ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay pagkilala sa kanilang natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa lipunan.

“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino,” ani Asec. Eje.

Dagdag pa nito, “Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw.”

TAGS: DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.