Barangay Ginebra pasok sa quarterfinals, tinalo ang ROS

By Jan Escosio March 06, 2022 - 10:01 PM

FILE PHOTO

Aabante sa quarterfinals ng 2022 PBA Governors Cup ang Barangay Ginebra matapos talunin ang Rain or Shine Elastopainters, 104-93, sa kanilang paghaharap sa Smart Araneta Coliseum.

 

Nabawi ng Ginebra ang kalamangan sa mga huling minuto na ng fourth quarter sa pagpapasabog ng 15-0 bomba sa pangunanguna nina Justin Brownlee, Scottie Thompson at Jeff Chan.

 

Ang beteranong si Chan, na madalang na lamang gamitin ni coach Tim Cone, ang tinanghal na Best Player of the Game sa kanyang 4/7 sa three point area at may kabuuang 14 puntos.

 

Binanderahan naman ni Justin Brownlee ang Barangay sa kanyang 25 puntos at 20 puntos naman ang iniambag ni Christian Standhardinger.

 

Naging motibasyon ng Ginebra ang pahayag ni Cone na nadidismaya siya sa inilalaro ng kanyang players.

 

Tinapos ng Ginebra ang elimination round sa kartadang 6-5 at hinihintay na lamang ang makakaharap sa quarterfinals.

 

Sa unang laro, pinataob naman ng Magnolia ang Alaska, 118 – 91.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.