21 Filipino seafarers galing Ukraine, darating na sa bansa sa Marso 8

Photo credit: DFA/Facebook

Darating na sa bansa sa Martes, Marso 8 ang 21 Filipino seafarers na galing sa Odessa, Ukraine.

Nagtatrabaho ang mga Filipino seafarers sa barkong MV S-Breeze.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, tumawid ang mga Filipino seafarers sa border ng Moldova at Romania.

Samantala, 13 Filipino seafarers ang nakarating na sa Moldova at naghihintay sa repatriation.

Pinapayuhan ng DFA ang mga Filipino sa Moldova at Romania na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa emergency hotline na +36 30 202 1760,  +36 30 074 5656, at +63 966 340 4725.

 

Read more...