941 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

By Chona Yu March 05, 2022 - 06:15 PM

 

Aabot sa 941 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Marso 5.

Ayon sa ulat ng Department of Health, nasa 3,666,678 na ang kabuuang kaso sa bansa.

Sa naturang bilang, 49,374 ang aktibong kaso kung saan 416 ang asymptomatic, 44,2586 ang mild, 2,736 ang moderate,1,344 ang severe, at 292 ang nasa critical condition.

Ayon sa DOH, ang National Capital Region ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na may 223 o 27 percent, sunod ang Region 4-A na may 124 na kaso o 15 percent, Region 7 na may 80 na kaso o 10 percent.

Aabot naman sa 109 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 56,879 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

 

 

TAGS: COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer, COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.