Traffic rerouting dahil sa INC event, ipinatupad ngayong araw sa Commonwealth Ave.

By Jay Dones May 17, 2016 - 02:39 AM

 

FILE PHOTO BY NINO JESUS ORBETA
FILE PHOTO BY NINO JESUS ORBETA

Nagpatupad ng traffic rerouting ang Quezon City Department of Public Order and Safety at Metro Manila Development Authority sa kahabaan ng Commonwelath Ave. at ilan pang lansangan dahil sa magaganap na medical-dental mission ngayong araw na ito ng Iglesia NI Cristo (INC).

Sa abiso ng MMDA, epektibo kaninang hatinggabi, lahat ng mga sasakyan na patungong Fairview ay kailangang kumanan sa Sandiganbayan at lumabas sa bahagi ng Litex Road.

Magkakaroon naman ng counterflow sa kabilang lane ng Commonwealth Ave para sa mga pampublikong sasakyan upang makapagbaba at makapagsakay ng mga pasahero.

Magtatagal ang counterflow at road closure ng hanggang mamayang hatinggabi ng May 18 ayon sa abiso ng MMDA at QC-DPOS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.