Poe: Taas kalidad sa serbisyo kahit bawas singil sa tubig

By Jan Escosio March 05, 2022 - 02:07 PM

Pinatitiyak ni Senator Grace Poe sa Maynilad at Manila Water na walang magbabago sa kalidad ng serbisyo kasunod nang pagtanggal sa 12% value added tax (VAT) sa singil sa tubig.

“Hindi dapat mauwi sa pagbaba ng kalidad ng serbisyo ang pagbaba ng bill sa tubig. Ang maaasahang suplay ng tubig ay hindi luho kundi karapatan ng lahat,” sabi pa ni Poe.

Nais din matiyak ng namumuno sa Senate Committee on Public Services na agad maipapatupad ang bawas-singil dahil malaking tulong na sa publiko ang anuman halaga na kanilang natitipid.

“Ang halagang matitipid rito ay mapupunta sa kanilang pagkain, pangangailangan sa bahay at pagbabayad ng lumobong utang,” dagdag pa ng senadora.

Unang ipinaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office na ang pagtanggal sa 12-porsyentong VAT sa tubig at waste water service ay alinsunod sa Republic Acts No. 11600 at 11601.

Si Poe ang nagsulong ng naturang batas para matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng tubig sa mga konsyumer.

Ang pagtanggal sa naturang buwis ay magsisimula na sa darating na Marso 21.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Senador Grace Poe, tubig, vat, news, Radyo Inquirer, Senador Grace Poe, tubig, vat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.