College graduates subukan muna bago maghanap ng civil service eligibility – Lacson
Sinabi ni Partido Reporma presidential candidate Panfilo Lacson kung mangangailangan ng kawani ang gobyerno dapat ay kuhanin na nila ang mga college graduates na ang tinapos na kurso ay sakto sa inaalok na trabaho.
“Skills-matching should take precedence over civil service eligibility when the government needs workers,” sabi ni Lacson.
Aniya umapila na siya sa Civil Service Commission (CSC) na kung maari ay i-‘relax’ ang requirements sa mga bagong college graduates na gustong mag-trabaho sa gobyerno.
Dagdag pa ni Lacson, hindi naman lahat ng nakapasa sa civil service exam ay may kakayahan at abilidad na gawin ang mga tungkulin sa papasukin nilang trabaho sa gobyerno.
Dapat aniya walang naghahanap ng trabaho ang tatalikuran dahil lamang sa eligibility ngayon marami ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
Paglilinaw naman ni Lacson, hinihikayat din niya ang lahat na kumuha ng civil service exam lalo na ngayon nasa Alert Level 1 na lamang ang maraming lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.