Duterte: Putin, suicidal

By Chona Yu March 05, 2022 - 08:50 AM

Suicidal.

Ito aang tawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin matapos ang ginawang pag-atake sa Ukraine.

Pero paglilinaw ng Pangulo, kailangan na manatiling neutral ang Pilipinas.

“Watch out for Putin, he is suicidal. Hindi suicide ano, talagang su… Kaya ‘pag mapahiya siya dito, magwawala ‘yan. And I realized it when I went to Russia. I had a talk with him on all aspects of life, matagal na. Sabi niya na kung magkaibigan tayo? Sabi ko wala ako, wala akong away sa iyo. China pumun — wala akong away sa inyo,”pahayag ng Pangulo.

Sa inagurasyon sa Narvacan Farmers Market sa Ilocos Sur, umaasa ang pangulo na hindi mauuwi sa gyera sa nuclear bombs ang away sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Kaya nga ‘yang Russia pati Ukraine nag-agawan sila diyan. I just pray to God that this will not really go out of control. Nasabi ko na nga sa inyo maybe probably you might have heard me on TV na ‘pag hindi ito nakontrol, delikado ang mundo. Once they start to push the button of nuclear warheads or nuclear bomb, well, sabi nga ng isang commentator, it will melt the world. Eh 1,000 ang nuclear warheads ng… Eh sa Hiroshima, that was a primitive bomb, Nagasaki, nawarak ‘yung puwesto, flattened to the ground. Eh kung 1,000 bitawan?” pahayag ng Pangulo.

“Ako naman, we stay neutral. But reality tells me that in the end, we’ll just have to select which side we would be. Now, of course, I know that the sentiment prevailing almost throughout the country ke ma-Ilocano, Bisaya, Ilonggo, Bicolano ang… Hindi ko nakalimutan itong speech I’m talking of the reality. Eh ako kasi umaga pa nagbabantay na ako ng — bahala na ‘yung magpatayan sila doon. Huwag lang maggamit ng nuclear device because talo na tayong lahat, pati tayo damay,” pahayag ng Pangulo.

Matatadaang makailang beses nang ibinida ng Pangulo na best friend na sila ni Putin.

 

TAGS: news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Russia, Russian President Vladimir Putin, suicidal, Ukraine, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Russia, Russian President Vladimir Putin, suicidal, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.