Bilang ng mga nawawalang sabungero lumubo sa 34

Sa pangalawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Senator Ronald dela Rosa, lumabas na 34 at hindi 31 ang bilang na ng mga nawawalang sabungero sa Maynila, Laguna at Batangas.

 

Ayon kay dela Rosa ang bilang ay base sa pag-iimbestiga ng PNP.

 

Ang karagdagang tatlo ay nawala matapos madiskubre ang panggagaya nila sa website ng isang lisensiyadong online sabong operator.

 

Sa pagdinig, inanunsiyo ni CIDG Director Eliseo Cruz na may masasampahan na sila ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention na anim katao sa Manila Prosecutors Office.

 

Ayon pa kay Cruz naghihintay na lamang sila ng warrants of arrest mula sa korte para maaresto ang anim.

 

Ibinahagi ni Cruz na 13 sabungero ang isinakay ng mga guwardiya ng Manila Arena sa isang van.

Read more...