Atty. Romando Artes, itinalaga bilang bagong MMDA chairman
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Attorney Romando Artes bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Papalitan ni Artes si Chairman Benhur Abalos na nagretiro sa puwesto para maging national campaign manager ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Naging epektibo ang appointment ni Artes noong Marso 1.
Ayon kay Artes, isang malaking karangalan ang maitalagang chairman ng MMDA.
Bago naging chairman, limang taon nang nagtatrabaho sa MMDA si Artes.
Pangako ni Artes, ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang programa ng MMDA para masolusyunan ang problema sa trapiko, baha, public safety at iba pa.
Si Artes ay nagtapos sa San Beda College at isang Certified Public Accountant.
Samantala, itinalaga naman si MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr. bilang General Manager ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.