Appointment ni PNoy sa 2 Sandiganbayan associate justices, dapat ipawalang-bisa ng SC – IBP

By Kathleen Betina Aenlle May 17, 2016 - 02:07 AM

 

Inquirer file photo

Nakatakdang i-apela ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court na ipawalang-bisa ang pag-talaga ni Pangulong Aquino sa dalawang associate justices sa Sandiganbayan.

Nakasaad sa petisyon ng IBP na labag sa Saligang Batas ang pag-talaga ni Pangulong Aquino kina Cebu City Branch 9 Regional Trial Court Judge Faith Econg at Office of the President-Office of Special Concerns Undersecretary Michael Frederick Musngi sa Sandiganbayan.

Ayon sa IBP, nilabag ni Pangulong Aquino ang Section 9 ng Article 8 ng Konstitusyon nang hindi siya mag-appoint ng sinuman mula sa mga shortlist na ibinigay ng Judicial and Bar Council (JBC) para mapunan ang posisyon ng 16 na Sandiganbayan Associate Justice.

Sa paglagda ni Pangulong Aquino sa Republic Act 10660 o ang Act Strengthening Further for Functional and Structural Organization of the Sandiganbayan, naging anim na ang bakanteng posisyon sa halip na dating lima lamang dahil sa nadagdag na dibisyon.

Dahil dito, nagbigay ang JBC ng anim na magkakahiwalay na shortlist kay Pangulong Aquino at dapat, pipili siya ng tig-isa mula sa bawat shortlist.

Gayunman, hindi pinansin ni Pangulong Aquino ang limang ibang shortlists at kumuha ng dalawa mula sa isang shortlist.

Ayon pa sa petisyon, bagaman may karapatan si Pangulong Aquino na gamitin ang sariling diskresyon sa pagpili, kailangan pa rin niyang pumili sa inilatag na pagpipilian ng JBC.

Anila pa, maaring masangkot sa paglabag ng Saligang Batas si Pangulong Aquino, at isa itong malinaw na grave abuse of discretion. Naaprubahan na ng board of governors ng IBP ang nasabing petisyon, at isusumite na nila ito sa Supreme Court ngayong araw ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.