WATCH: BBM, walang karapatang pamunuan ang bansa – Pacquiao
Walang karapatan, integridad, at kredibilidad si UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang bansa sa susunod na anim na taon.
Sa pangangampanya sa Nueva Ecija, sinabi ni PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao na ito ay dahil sa isyu ng korupsyon na kinasasangkutan ni Marcos.
Taong 2016 nang sampahan ng kasong plunder na P205 milyon dahil sa pagka ka sangkot ni Marcos sa pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
“May karapatan? Para sa akin siyempre kandidato rin ako siyempre masasabi ko na wala kasi kumakandidato ako eh kalaban ko siya sa eleksyon na’to eh. Sa akin, wala. Ewan ko ‘yung taong bayan. Alam na nila iyon siguro, alam ko matatalino naman ang taong bayan,” pahayag ni Pacquiao.
Narito ang pahayag ni Pacquiao:
WATCH: PROMDI presidential bet Senator Manny Pacquiao when asked if presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. has the moral ascendency to lead the country: WALA!@radyoinqonline @inquirerdotnet pic.twitter.com/B9egMnhwV4
— chonayuINQ (@chonayu1) March 4, 2022
Sinabi pa ni Pacquiao na hindi dapat na kalimutan ng taong bayan na sangkot si Marcos sa kontrobersiya ni Napoles.
“Unang-una alam natin ang issue ng korapsyon alalahin natin, bayan, alalahin natin ha, kasali siya doon sa Napoles case baka nakalimutan ng taong bayan iyong Naples,” pahayag ni Pacquiao.
Matatandaang ilang senador ang nasangkot sa paglilipat ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga bogus na non-government organization.
Bukod sa pork barrel scam, nasangkot din si Marcos sa ibat ibang kaso.
Nang tanungin si Pacquiao kung sangkot si Marcos sa korupsyon, sagot nito, “Para sa akin? Ayon sa Supreme Court bakit ‘di ka maniniwala. Wala na tayong gobyerno kung ‘di ka maniniwala sa desisyon ng Supreme Court ‘di ba. Siguro ano naman siguro ako noon napakabobo ko naman sigurong tao kung may desisyon ang Supreme Court tapos sabihin ‘di ako naniniwala.”
Bahagi ng pahayag ni Pacquiao:
Pres’l bet Manny Pacquiao kung sangkot sa korupsyon si Bongbong Marcos: Ayon sa Supreme Court. Bakit hindi tayo maniniwala? Wala na tayong gobyerno kung hindi tayo maniniwala sa SC. Napakabobo ko naman na may desisyon ang SC tapos hindi ako maniwala. @radyoinqonline pic.twitter.com/pcLxskkMke
— chonayuINQ (@chonayu1) March 4, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.