Maritime projects, initiatives suportado ang sea travel full passenger capacity sa ilalim ng Alert Level 1
Handa na ang Department of Transportation (DOTr) na suportahan at ipatupad ang 100 porsyentong passenger capacity para sa sea travel kasabay ng pagsailalim sa Alert Level 1 ng ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, nakumpleto ng Philippine Ports Authority (PPA) ang port development projects sa bansa, habang patuloy naman ang pagpapalakas ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) ng mga inisyatibo para sa maritime operations.
Nasa 13 port projects aniya ang nakumpleto at handang pasinayaan upang makapagserbisyo sa mga pasahero.
Ilang pantalan din ang pwede nang pasinayaan sa Ports ng Currimao sa Ilocos Norte; Bulan sa Sorsogon; Legazpi at Tabaco sa Albay; Basiao sa Capiz; Banago sa Negros Occidental; Baybay at Palompon sa Leyte; Ozamiz sa Misamis Occidental; Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte; Mati sa Davao Oriential; at Dapitan at Sindangan sa Zamboanga del Norte.
Nakatakda na rin aniyang matapos ang dalawa pang priority projects sa buwan ng Marso.
“Ang mga terminal na itinatayo natin, ang capacity hindi na sa one hundred one hundred, thousand thousand na. Merong 3,000, merong 4,000,” ani Tugade.
Maliban sa pagdagdag ng kapasidad, sinusolusyunan aniya ng PPA at MARINA ang port operations concerns para sa mas mabilis at maayos na galaw ng mga pasahero at kargamento.
“Ang queueing diyan ng mga buses, nagtatagal ‘ho iyan from 16 hours to two days, ngayon po because of the system that we have organized in the Maritime Sector kasama ang PPA, PCG, MARINA, LGU, DILG, ngayon ‘ho iyong queueing time is three to five hours na lang,” paliwanag ng kalihim.
Upang mabantayan ang pagdating ng mga barko, maglalabas ang MARINA ng 20 na karagdagang travel permits para sa roll-on/roll-off vessels upang mas marami pang pasahero ang maserbisyuhan sa mga lugar na nasa Alert Level 1.
Samantala, inihayag din ni Tugade na malaking tulong sa maritime patrols ng bansa ang pagdating ng una sa dalawang 97-meter long Multi-Role Response Vessels (MRRVs) mula sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.