3 pugante, patay matapos manlaban sa mga pulis

 

Patay ang tatlong bilanggo na pumuga mula sa Negros Oriental Provincial Jail matapos manlaban sa tumutugis na mga pulis.

Kinilala ang mga nasawing preso na sina Aspacio Maximo, Richard Balasabas, at James Magdasal habang balik-kulungan naman ang isa pa na kinilalang si Rico Bandico.

Sa impormasyon mula kay PSSupt Harris Fama, Acting Provincial Director ng PNP Negros Oriental, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Tayasan PNP na umanoy namataan ang apat na pumugang preso sa Sitio Tinibgan, Brgy Saying.

Dahil dito ay agad bumuo ng manhunt team si Fama para muling mahuli ang mga preso at maibalik sa kulungan.

Gayunman nang makatunog ang mga tumakas na bilanggo sa pagdating sa kanilang pinagtataguang lugar, kaagad nagpaputok ang mga ito sa halip na magsisuko.

Tumakas noong May 9, araw mg eleksyon ang mga pugante, kung saan hinostage pa umano ng mga ito ang isang pastora sa loob ng provincial jail bago nagsitakas.

Read more...