Pumalo na sa 442.33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 442,331,939 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,843,570 cases.
Sumunod na rito ang India na may 42,951,262 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 28,906,214 naman ang kaso sa Brazil habang 22,900,531 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,074,696
– Russia – 16,685,850
– Germany – 15,375,508
– Turkey – 14,255,545
– Italy – 12,910,506
– Spain – 11,078,028
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,001,494 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 374,931,028 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.