Nakatakas na kasama ng mga nawawalang sabungero lulutang sa Senado

By Jan Escosio March 03, 2022 - 08:43 PM

Ibinunyag ni Senator Ronald dela Rosa na may mga mahahalagang testigo ang haharap sa pagdinig bukas ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order ukol sa pagkawala ng 31 sabungero.

Kabilang aniya sa dadalo sa pagdinig ay ang isang nakatakas na kasama ng ilan sa mga nawawalang sabungero.

 

Ayon kay dela Rosa ang testigo ay nabalaan na ng kanyang mga kasama na na-hostage na sa sabungan.

 

“Tinawagan sila (very vital witness) nuong isang grupo na ‘sumibat na kayo, sumibat na kayo at na-hold kami dito.’ Noong sumibat na sila, ‘yung isang grupo, palabas sila doon sa compound ng arena, may na-hold pa na kasamahan doon sa pangalawang grupo. So mayroong nakasibat na miyembro ng grupo na ‘yun at ‘yun ngayon ang very vital witness natin sa kasong ito,” sabi ng senador.

 

Kasabay nito, kinumpirma ni dela Rosa na naipadala na niya sa Malakanyang ang resolusyon na pinirmahan ng 23 senador na hinihiling sa PAGCOR ang pagsuspindi sa lisensiya ng mga online sabong operators.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.