Quezon solon, DPWH official inasunto ng serious illegal detention

By Jan Escosio March 03, 2022 - 08:29 PM

Pormal nang sinampahan ng kasong serious illegal detention ang isang babaeng miyembro ng Mababang Kapulungan at mister nitong mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Sa Makati Prosecutors Office inihain ni Arkie Yulde, konsehal sa Lopez, Quezon, ang kaso laban kina Quezon Province Rep. Helen Tan at DPWH Regional Dir. Ronnel Tan.

 

Sabit din sa kaso si Jaime Aquino, dating correspondent ng The Manila Times, dahil siya diumano ang ginamit ng mag-asawang Tan sa paninira kay Yulde.

 

Nabatid na si Jestine Aquino, anak ni Jaime, ang testigo ni Yulde at ito ang nakakaalam ng lahat ng mga lakad ng kanyang ama.

 

Iginiit ng nakakabatang Aquino na kilala niya ang mag-asawang Tan dahil ilang beses na kinausap ang mga ito ng kanyang ama sa La Union at Makati City.

 

Aniya alam niya na ang kanyang ama ang nagbigay sa mag-asawang Tan ng mga pekeng dokumento na ginamit para makasuhan si Yulde ng rape at serious illegal detention.

 

Dagdag pa ni Jestine, P3 milyon ang ibinayad sa kanyang ama ng mag-asawang Tan.

 

Matapos ang ilang buwan na pagkakakulong sa Rosales, Pangasinan, pinalaya na si Yulde matapos mapatunayan ng prosecutor na gawa-gawa lamang ang lahat ng mga testimoniya at ebidensiya na ginamit sa kanyang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.