Bayanihan sa Bakunahan inilunsad sa Las Piñas

By Jan Escosio March 03, 2022 - 08:26 PM

LAS PIÑAS PIO PHOTO

Nais ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas na masiguro na ang lahat ng kanilang mamamayan ay bakunado at protektado sa COVID 19.

 

Ito ang dahilan kayat inilunsad ang ‘Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas’ sa pangunguna ni Mayor Imelda Aguilar.

 

Paliwanag ng opisyal layon ng programa na mailapit pa ng husto  sa kanyang mga kababayan ang mga serbisyong pangkalusugan partikular na ang pagbabakuna kontra COVID 19.

 

Target aniya ang mga hindi pa nagpapabakuna, gayundin ang mga maari nang maturukan ng booster shots.

 

Paliwanag ni Aguilar na 21 vaccination teams ang kanilang binuo, na may hanggang limang miyembro, at ang mga ito ay pamumunuan ni City Health Office chief, Dr. Juliana Gonzales.

 

Ang mga naturang grupo ng healthcare workers ay mamahagi din sa mga barangay ng mga gamot gaya ng paracetamol at vitamin c para sa magpapabakuna.

 

Dagdag pa ng alkalde may isang grupo din ang magsasagawa ng door-to-door para mabakunahan ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

 

Paalala lang din ni Aguilar sa mga persons with comorbidity na magtungo sa mga itinakdang vaccination sites para sa kanilang monitoring.

 

Paliwanag naman ni Vice Mayor April Aguilar nais lang naman nilang mga opisyal na maipaalam sa mga residente ng lungsod ang kahalagahan ng pagiging bakunado.

 

Bunsod na rin ito aniya nang pagpapa-iral ng Alert Level 1 ng Metro Manila, kung saan balik sa 100 porsiyento na ang kapasidad ng mga establismento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.