Pagbili ng mga gamit ng mga pulis, dapat napapabilis – Eleazar

Sinabi ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na dapat napapabilis ang pagbili ng mga kagamitan ng mga pulis, partikular na ang mga ginagamit sa pag-iimbestiga ng mga kaso.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag dahil sa mga batikos sa mabagal na pag-iimbestiga ng PNP sa mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

“Sa mga standard kulang pa rin tayo, even sa interconnection ng CCTV cameras. Even barangays are procuring CCTVs pero ang specs walang standard na puwedeng gamitin,” diin ng senatorial candidate ng tambalang Ping Lacson – Tito Sotto.

Ang isa pa aniyang madalas na problema ng mga imbestigador, ang mga pribadong mamamayan na may CCTV at maaring magamit sa pagresolba ng kaso ay hindi rin agad-agad na nakukuha.

“Dapat magkaroon tayo ng batas para palakasin ang investigative capability ng PNP,” pagdidiin ni Eleazar.

Read more...