Sinabi ni reelectionist Senator Sherwin Gatchalian na kailangan nang maghanap ang gobyerno ng mga bagong mapapagkuhanan ng langis at gas ng bansa.
Aniya, kapag hindi nangyari ito ay patuloy lamang aasa ang Pilipinas sa inaangkat na langis.
Dagdag pa ni Gatchalian, dapat ikunsidera na rin ang ‘renewable energy’ maging ang paggamit ng electric vehicles sa ‘medium and long term plan.’
Inihayag ito ng senador bilang reaksyon sa sa patuloy na pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan na ugat naman ng pagsiirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Aniya, apektado ang Pilipinas nang husto dahil halos 100 porsyento ng suplay sa bansa ay inaangkat.
“As long as we import oil, we will be susceptible to global oil shocks that we have absolutely no control of,” diin ni Gatchalian.