Aniya, dapat nang maghanda ang gobyerno ng ‘large-scale evacuation’ dahil sa posibilidad na lumawak pa ang digmaang Ukraine-Russia.
Isama na rin dapat aniya ang mga Filipino na nasa Russia, Belarus, Poland, Slovakia, Hungary, Romandia at Moldova na ilikas at hindi na sila dapat pang bumiyahe.
“If the war escalates on the ground, the Philippines will not be the only country arranging for the safe passage of its citizens. So, let’s not procrastinate,” sabi pa nito.
Umaasa na lamang din si Marcos na matutuloy at magbubunga ng magandang ang binabalak na usapang pangkapayapaan.